Gulo sa loob ng CHED nalantad na sa publiko

ched
Inquirer file photo

Nagsimula na ang word war sa pagitan ng mga opisyal ng Commission on Higher Education (CHED).

Sa isang statement, sinabi ni CHED Commissioner Prospero De Vera na isang uri ng mababang pahayag at iresponsable ang ginawang pagdidiin sa kanya ni CHED Chairperson Patricia Licuanan bilang nasa likod ng tangkang pagpapalayas sa kanya sa pwesto.

Nauna nang iniutos ni Pangulong Rodrigo Duterte na huwag padaluhin sa mga pulong ng gabinete si Licunan.

Sinabi ni De Vera na wala siya sa bansa nang pagbawalan si Licuanan na dumalo sa mga pulong sa MalacaƱang.

Kanya ring nilinaw na hindi siya kailanman nanawagan ng pagpapababa sa pwesto sa pinuno ng komisyon.

Sa hiwalay na pahayag ay sinabi ni Licuanan na kasabwat ni De Vera si CHED Executive Director Julito Vitriolo sa planong pagpapatalsik sa kanya sa pwesto.

Sa kanyang panig ay nauna nang sinabi ni Vitriolo na dapat ay sumunod na lamang si Licuanan sa utos ng Palasyo na huwag na siyang pumunta sa mga cabinet meetings.

Read more...