Lolo patay, 40 bahay natupok sa sunog sa Malabon City

By Alvin Barcelona December 17, 2016 - 04:24 PM

BASAK PARDO FIRE/AUG. 12, 2016: Bryle Bustamante (left) uses his hose in helping fire fighter in doing finishing touches in the burned house owned by Fe Erida at sitio bamboo village barangay Basak Pardo as they do finishing touches.(CDN PHOTO/JUNJIE MENDOZA)
Inquirer file photo

Isang lolo ang patay sa sunog na tumupok sa may 40 kabahayan sa isang residential area sa Dulong Gulayan, Barangay Concepcion, Malabon City.

Kinilala ang nasawi na si Lolo Exequiel Cantir, 63-anyos.

Kabuuang 70 pamilya ang nawalan ng tahanan dahil sa nasabing sunog.

Nag-umpisa ang sunog bago mag-ala una ng hapon at umabot ng 3rd alarm bago idineklarang fire out makalipas ang halos ay dalawang oras.

Kaugnay nito, tiniyak ni Manny Namuco ng Malabon City Social Welfare and Development Office na tutulungan nila ang mga apektadong pamilya.

TAGS: fire, lolo, Malabon, fire, lolo, Malabon

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.