Ilang lugar sa Eastern Visayas binaha

Gandara1
Photo: Ricky Brozas

Lubog sa tubig baha ang ilang bahagi ng Eastern Visayas dahil sa patuloy na buhos ng ulan sa mga nakalipas na oras.

Sinabi ng Pagasa na apektado ng ulan dulot ng tail-end of a cold front at amihan ang mga bayan sa mga lalawigan ng Eastern Samar, Northern Samar at Leyte.

Sa Leyte, binaha ang ilang mga Barangay sa mga bayan ng Palo, Salano at Daquitan.

Bigla ring lumaki ang tubig baha sa mga bayan ng Gandara, Basey, Silagan, Calbiga at HIbatan sa lalawigan ng Samar.

Sa bayan ng Gandara ay umapaw ang ilang mga ilog kaya inabot ng tubig ang ilang mga pangunahing lansangan sa lugar.

Sinabi ng Pagasa na malakas rin ang buhos ng ulan sa mga bayan ng Catarman, Bugko, Pambukhan, Catubig, Palapa, Mano at Gamay.

Sa Southern Leyte ay bumuhos rin ang malakas na ulan sa mga bayan ng Himbagan at Pandan.

Sa kanilang advisory, sinabi ng National Disaster Risk Reduction and Management Council na wala naman silang naitalang casulaties dulot ng mga pagbabaha.

Kanila na ring inatasan ang kanilang mga tauhan sa Eastern Visayas na manatiling alerto para sa mga posibleng evacuation na gagawin.

Photo: Ricky Brozas
Read more...