Pagkakasama ng pangalan sa Forbes list, “corny” ayon kay Duterte
Isang simpleng ngiti sabay ang pagsasabi ng salitang “corny” ang naging tugon ni Pangulong Rodrigo Duterte nang tanungin ang kanyang reaksyon sa pagkakasama niya sa “Forbes Most Powerful People 2016”.
Si Duterte ay pang-70 sa nasabing listahan kung saan nanguna si Russian President Vladimir Putin, number 2 si U.S President elect Donald Trump, pangatlo si German Chancellor Angela Merkel at number 4 si Pope Francis.
Sinabi ni Duterte na isang “kakornihan” ang nasabing listahan sabay ang pagsasabing kahit wala siya dun ay hindi magbabago ang kanyang misyon na patinuin ang pamamahala sa bansa.
Hindi rin umano kailangan ng isang lider ang nasabing papuri dahil ang mahalaga ay kung ano ang kanyang kayang gawin para sa publiko.
Si Duterte ay kilala na hindi mahilig sa mga papuri kung saan ay pinagbawalan rin niya ang paglalagaw ng mga katagawang “His Excellency” kapag siya’y ipinakikilala bilang pangulo ng bansa.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.