UN rapporteur, dapat humingi ng tawad para sa pinsalang idinulot sa Pilipinas – Yasay
Dahil sa umano’y pagiging iresponsable, hinihingan ngayon ng apology ni Foreign Affairs Sec. Perfecto Yasay Jr. si United Nations (UN) special rapporteur Agnes Callamard dahil sa pinsalang dinala nito sa Pilipinas.
Ayon kay Yasay, sakali mang ma-kansela na ang imbitasyon na ibinigay sa kaniya, kailangang dumaan ni Callamard sa mabusising protocols, kabilang na ang opisyal na pag-request ng country visit.
Ngunit aniya, malabong tanggapin ito ng pamahalaan ng Pilipinas hangga’t walang ibinibigay si Callamard na maayos na apology.
Giit ni Yasay, desisyon na ni Callamard kung itutuloy niya ang pagbisita sa bansa sa pamamagitan ng pagtanggap sa standing invitation ni Pangulong Duterte o sa pamamagitan ng protocols ng UN.
Ipinunto pa ng kalihim na inimbita ni Duterte si Callamard nang sa gayon ay masuportahan siya nito sa magiging conclusions niya sa kalagayan ng human rights sa bansa.
Dagdag pa ni Yasay, kung hindi makakasundo ni Callamard si Duterte, maari naman niyang gamitin ang protocol base sa international law pero kailangan muna niyang humingi ng tawad.
Ito ay dahil sa kaniyang naging mga arbitrary findings dahil nagdulot ito ng “unfair damage sa bansa” kasi hindi naman beripikado ang kaniyang mga naging conclusion.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.