Bong Revilla, pinayagan ng Sandiganbayan na madalaw ang amang may sakit

By Alvin Barcelona December 16, 2016 - 05:41 PM

Bong-Revilla-21Pinayagan na ng Sandiganbayan First Division si Senador Bong Revilla na madalaw ang kanyang may karamdaman na ama na si dating Senador Ramon Revilla Sr.

Partikular na pinayagan si Revilla na lumabas ng PNP Custodial Center para magpunta sa St. Lukes Medical Center sa Bonifacio Global City sa Taguig kung saan naka confine ang matandang Revilla.

Gayunman, naglatag ng kondisyon ang Sandiganbayan sa pagdalaw ng senador.

Una, bibigyan lamang ng anim na oras ang senador para na makasama ang ama sa pagitan ng alas dos ng hapon hanggang alas onse ng gabi ngayong araw, December 16, 2016.

Pangalawa, limitado ang permiso na ibinigay ng graft court sa BGC area lamang.

At pangatlo, dapat magtalaga ng mga pulis para sa seguridad ni PNP chief Gen. Ronald ‘Bato’ Dela Rosa si Revilla sa kanyang pagbiyahe sa BGC.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.