EXCLUSIVE: Rolito Go, natuwa sa desisyon ng Korte Suprema

ROlito Go
Kuha ni Chona Yu

Ikinatuwa ni murder convict Rolito Go ang naging desisyon ng Korte Suprema na palayain na siya.

Sa ekslusibong panayam ng Radyo Inquirer, sinabi ni Go na labis na niyang pinagsisihan ang nagawa sa engineering student na si Eldon Magauan na nabaril niya dahil sa away sa trapiko.

Balak ni Go na gugulin ang natitirang panahon sa kanyang pamilya.

Dagdag pa ni Go, ito na ang pinakamasayang pasko sa buong buhay niya.

Kasabay nito humingi ng pang unawa si Go sa Pamilya Magauan at maging sa publiko.

Labis na aniya niyang pinagsisihan ang krimen at napagsilbihan na ang sentensya.

Si Go ay nakulong ng talumpung taon sa New Bilibid Prison.

Read more...