4 sugatan sa pagbagsak ng gusali sa Maynila

By Erwin Aguilon December 16, 2016 - 04:21 PM

Legarda MaynilaNasugatan ang apat katao sa pagbagsak ng bahagi ng isang ginagawang gusali sa Legarda Street, Sampaloc, Maynila.

Ayon kay Albert Trajano, tinanggal ang scaffolding sa canopy ng ikalawang palapag ng ginagawang Jollibee sa tabi ng Legarda LRT Station dahilan upang bumagsak ito.

Malubhang nasugatan si Ramil Poblacio na naipit ang mga paa ng mabagsakan ng hallowblocks at isinugod sa Jose Reyes Memorial Medical Center.

Tatlong iba pa naman ang bahagyang nasugatan sa insidente dahil sa pagtalon mula sa ikalawang palapag ng ginagawang gusali.

Sinabi ni Engr. Jun Geronaga ng City Engineers Office na dahil dito isang linggo munang hihinto ang pagtatrabaho sa lugar.

Pagpapaliwanagin din nila ang Yumadag Builders na contractor nito.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.