Ayon kay Education Secretary Leonor Briones, nagsimula na ang pag-uusap sa pagitan ng dalawang kagawaran kaugnay ng pinaplanong programa ng DOH para mapababa ang tumataas na kaso ng human immunodeficiency virus (HIV) at Acquired Immune Deficiency Syndrome (AIDS) sa mga kabataan.
Dagdag pa ni Briones na napakasensitibong isyu nito at kinakailangan ang masusing pagsusuri bago maipatupad.
Aniya hindi maaring basta-basta na lang ipamahagi ang mga condom ng hindi sumasailalim sa counselling.
Bukod dito, binigyan diin din ng kalihim ang tumataas din na antas ng teenage pregnancy.
Kaugnay pa nito sinabi ni Briones na ang DepEd at DOH ay nagkakaintindihan na dapat maging maingat sa bubuuing polisiya dahil sa mga estudyante ang pangunahing target ng programa.