Malawakang overhaul sa Bureau of Immigration, ipinanawagan ni Drilon

HUMAN INTEREST                     JANUARY 3, 2015         Bureau of Immigration               INQUIRER PHOTO/ ALEXIS CORPUZ
HUMAN INTEREST JANUARY 3, 2015 Bureau of Immigration INQUIRER PHOTO/ ALEXIS CORPUZ

Nanawagan si Senate President Pro Tempore Franklin Drilon nang malawakang overhaul sa Bureau of Immigration.

Ito ay kasunod ng mga alegasyon ng umano’y katiwalian ng dalawa sa kanilang high-ranking officials.

Inihain ni Drilon ang Senate Resolution No. 256 na humihimok sa Senate Committee on Civil Service and Government Reorganization na pag-aralan ang posibilidad na reorganization sa ahensya.

Mainam aniyang ipatupad ang overhaul sa ahensya para maibalik ang tiwala ng publiko.

Kamakailan ay naging sentro ng kontrobersiya ang Bureau of Immigration dahil sa umano’y pangungurakot nina Associate Commissioners Al Argosino at Michael Robles.

Inaakusahan sina Argosino at Robles na nangikil ng 50 million pesos sa Chinese tycoon na si Jack Lam.

Ang dalawang opisyal na nagtatago na ngayon dahil sa banta sa kanilang seguridad ay sinabing nakuha nila ang pera sa associate ni Lam na si retired police official Wally Sombero bilang bahagi ng kanilang nagpapatuloy na imbestigasyon sa corrupt activities ni Lam.

Sinabi nina Argosino at Robles na biktima lamang sila ng framed-up.

Napaulat na tinrabaho ni Sombero ang pagpapalaya sa anim na daang undocumented Chinese workers na nahuli sa Fontana Leisure Parks and Casino sa Clark, Pampanga sa pamamagitan ng pag-alok ng P50 million sa dalawang opisyal ng Immigration.

Kasabay nito, sinabi ni Drilon na nararapat na mayroong mataas na standards sa pagpili ng mga opisyal sa Bureau of Immigration.

Tatalakayin ang resolusyon na inihain ni Drilon sa susunod na taon.

Read more...