Singapore at Pilipinas, nagkasundo sa pagpapaigting sa paglaban sa iligal na droga

PM Lee and Duterte
Malacañang photo

Hindi lang sa Pilipinas inilalatag ni Pangulong Rodrigo Duterte ang lawak ng problema sa ilegal na droga kundi maging sa ibang bansa.

Sa state visit ng pangulo sa Singapore, idiniga rin nito ang naturang problem kina Singapore President Tony Tan Keng Yam at Prime Minister Lee Hsien Loong.

Kaya naman ayon kay Foreign Affairs Secretary Perfecto Yasay, nagkasundo ang Pilipinas at Singapore na paigtingin pa ang paglaban sa ilegal na droga.

Bunga na rin aniya ito ng bilateral meeting nina Pangulong Duterte at Prime Minister Loong.

Ayon pa kay Yasay, bukod sa ilegal na droga, napagkasuduan ng dalawang lider ang paglaban sa terorismo.

Nagkasundo din aniya ang dalawa na paigtingin ang kooperasyon ng Pilipinas at Singapore sa paglaban sa transnational crime lalo na sa teritoryo sa karagatan.

Read more...