Mayor Gatchalian at 2 iba pa, abswelto sa Kentex fire tragedy

 

Inquirer file photo

Dahil sa kakulangan ng probable cause, ibinasura ng Sandiganbayan Second Division ang kasong graft at reckless imprudence resulting to multiple homicide laban kay Valenzuela City Mayor Rex Gatchalian, kaugnay ng Kentex fire tragedy.

Base sa resolusyong inilabas ng korte, hindi napatunayang direktang may kinalaman sina Gatchalian at dalawang iba pang kapwa niya akusado sa insidenteng naging sanhi ng sunog.

Kabilang sa mga akusado rin ay ang officer in charge ng Business Permits and Licensing Office (BPLO) ng lungsod na si Renchi May Padayao at si Eduardo Yco Carreon na licensing officer IV naman sa pareho ring opisina.

Ayon sa nasabing resolusyon, hindi maaring panagutin ang mga akusado sa trahedya dahil sa hindi pagkakaroon ng Fire Safety Inspection Certificate (FSIC) ng Kentex factory, maari naman magkaroon ng business permit kahit walang FSIC.

Hindi rin sila maaring isabit sa kasong paglabag sa Fire Code of the Philippines, dahil tungkulin ng Bureau of Fire Protection (BFP) at hindi ng munisipyo na ipatupad ang batas na ito.

74 na manggagawa ng naturang pabrika ng tsinelas ang nasawi makaraang masunog ang ito noong May 2015.

Read more...