$433-M US aid sa Pilipinas, nabitin dahil umano sa human rights situation sa bansa

By Jay Dones December 16, 2016 - 04:35 AM

 

Inquirer file photo

Hindi pa nire-renew ng Estados Unidos ang isa nitong major aid package na ibinibigay sa Pilipinas dahil sa umano’y mga kaso ng human rights violations sa bansa.

Ito’y matapos mabigo ang Pilipinas na pumasa sa ibinibigay na grant ng Millennium Challenge Corporation.

May kaugnayan ito sa $433.9 milyon na tinatanggap ng Pilipinas na nag-expire nitong nakalipas na May.

Sa ilalim ng Millenium Challenge grant na binuo ng US, mabibigyan ng tulong-pinansyal ang isang bansa kung mayroon itong ‘just and economic governance’ at namumuhunan ito sa kanyang mga mamamayan.

Ang mga bansang Burkina Faso, Sri Lanka at Tunisia ang ilan lamang sa mga bansang nabigyan ng naturang grant sa ngayon.

Ayon kay Molly Koscina, tagapagsalita ng US embassy, nagdesisiyon ang board ng ng Millennium Challenge na huwag munang ituloy ang pagboto kung isasali ang Pilipinas sa mabibigyan ng ‘grant’.

Gayunman, maari pa rin naman aniya itong bumoto pabor sa Pilipinas sa hinaharap.

Patuloy na babantayan aniya ng naturang grupo ang sitwasyon sa bansa bago ito magdesisyon.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.