Tunay na health condition ni Pres. Duterte dapat ilantad-Lacson

 

Sinabi ni Senador Panfilo Lacson na dapat lang malaman ng sambayanan ang tunay na kondisyon ng kalusugan ng pangulo ng bansa.

Aniya, mayorya man o hindi ng mga botante ang pumili kay Pangulong Rodrigo Duterte, siya ang namumuno sa bansa kayat dapat lang na alam ng lahat kung siya ay malusog o maysakit.

Aniya, dahil sa mga sinasabi ng pangulo na hindi niya matatapos ang kanyang termino ay lumilikha ito ng pagkabahala bagamat malinaw naman sa Konstitusyon kung sino ang magiging kapalit sakaling mamatay ang pangulo.

Dagdag pa ng senador, dapat lang talaga na isapubliko ang medical records ng pangulo para malaman kung siya ba malusog pa para pamunuan ang bansa.

Read more...