Mga tindahan ng paputok sa Bocaue, Bulacan muling sinuyod ng PNP

By Ruel Perez December 15, 2016 - 04:42 PM

Firecrackers
Inquirer file photo

Isinailalim sa inspeksyon ng mga miyembro ng Philippine National Police Central Luzon Firearms and Explosives Division o PRO-FED ang mga tindahan ng paputok sa Bocaue, Bulacan ngayong araw upang matiyak ang kaligtasan ng publiko sa nalalapit na kapaskuhan at bagong taon.

Ayon kay  PRO-FED Special Inspector S/Insp. Zoilo Ercilla, una nilang tinitignan ang lisensya ng mga tindahan ng paputok upang masigurong lehitimo ang kanilang negosyo.

Bukod pa rito, sinilip rin ng PNP ang kanilang Department of Labor and Employment clearance

Sa pagsusuri, nakapasa naman umano ang lahat ng fireworks stores sa naturang inspeksyon

Sa kabila nito, muling nagpaalala ang PNP na mahigpit na ipinagbawal ang pagbebenta ng Super Lolo at Pla-Pla na siyang numero-unong nagdudulot ng disgrasya sa mga nagpapaputok.

Tiniyak naman ng PNP na habang papalapit ang panahon ng Kapaskuhan ay mas lalo pa nilang dadalasan ang pagsasagawa ng mga inspeksyon sa mga tindahan ng paputok lalo na sa Bulacan.

TAGS: Bulacan, fed, PNP, Bulacan, fed, PNP

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.