Gobyerno bubuweltahan ni De Lima sa pagdalo sa Berlin conference
Gagamiting pagkakataon ni Sen. Leila De Lima ang pagdalo nito sa isang international conference sa Berlin, Germany para ibahagi ang nangyayaring human rights violations sa Pilipinas.
Sa pagsasalita ni De Lima sa Annual Conference on Cultural Diplomacy ay tatalakayin nito ang mga sinasabing mga kaso ng extra judicial killings sa bansa kasabay ng pinaigting na war on drugs ng kasalukuyang gobyerno.
Sinabi ni De Lima na hihingi din siya ng suporta sa international community para matigil na ang pag-iral ng sinasabing culture of impunity sa bansa.
Layon ng anim na araw na pulong na makarating sa kamalayan sa buong mundo ukol sa pagrespeto sa mga karapatang pantao.
Nauna nang sinabi ng Malacañang na humihingi lamang ng simpatya sa international Community si De Lima na nahaharap sa mga kaso kaugnay sa illegal drug trade sa bansa.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.