Pangulong Duterte kasama sa 11 bagong pangalan na nakapasok sa World’s Most Powerful People ng Forbes Magazine

By Dona Dominguez-Cargullo December 15, 2016 - 01:05 PM

Duterte Peru2Mag-aanim na buwan matapos mahalal bilang pangulo ng bansa, napabilang na si Pangulong Rodrigo Duterte sa listahan ng mga pinakamakapangyarihang tao sa mundo ng Forbes Magazine.

Si Duterte ay nasa pang-pitumpung pwesto ng World’s Most Powerful People.

Sa nasabing listahan, nagtatala ng 74 na personalidad mula sa iba’t ibang panig ng mundo na maituturing na makapangyarihan.

Sa pagsama kay Duterte sa listahan, tinukoy siya ng Forbes bilang dating mayor ng Davao City na nahalal na pangulo ng Pilipinas noong May 2016 at pina-igting ang kampanya laban sa mga drug users at iba pang kriminal.

Nakasaad din doon na ang war on crime ni Duterte ay nagresulta na sa pagkasawi ng libu-libong katao at binanggit din ang mga kontrobersyal na pahayag ng pangulo gaya ng pagkalas niya sa alyansa sa US.

Naungusan pa ni Dutere sa ranking sina Ayman al-Zawahiri ng al-Qaeda (71st), Las Vegas Sands’ Sheldon Adelson (72nd), Founders Fund’s Peter Thiels (73rd), at US Senator Chuck Schumer (74th).

Maliban kay Duterte, ilan pa sa mga bagong pangalan na napasama sa listahan ngayong taon ay sina UK Prime Minister Theresa May (13th), Uber CEO Travis Kalanick (64th), Walt Disney Company CEO Bob Iger (67th) at US Vice President-Elect Mike Pence (69th).

Nangung sa number 1 ng listahan si Russian President Vladimir Putin at pumangalawa naman si US President-elect Donald Trump.

 

 

TAGS: forbes magazine, Rodrigo Duterte, World's Most Powerful People, forbes magazine, Rodrigo Duterte, World's Most Powerful People

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.