Sa latest Social Weather Stations survey, nakakuha ang pangulo ng satisfaction rating na +63 na may pagbaba ng one point lamang mula kumpara sa kaniyang rating noong Setyembre noong +64.
Sa nasabing survey, lumabas na 77% ng 1,500 adults na-survey nationwide ang nagsabing sila ay satisfied o kuntento sa performance ni Duterte, 13% lang ang nagsabing hindi sila kuntento at 10% naman ang undecided.
Ang mga na-survey sa Mindanao ang nagbigay ng pinakamataas na rating sa presidente, na “excellent”.
Isinagawa ang survey mula December 3 hanggang 6.
Kabilang sa malalaking isyu noong mga panahon ng survey ay ang pagtawag niya kay US President-elect Donald Trump para batiin ito sa pagkapanalo, pag-uutos niyang arestuhin si gambling tycoon Jack Lam at ang resignation sa gabinete ni Vice President Leni Robredo.