Rep. Amado Espino, sasailalim na sa 90-day suspension

By Isa Avendaño-Umali December 15, 2016 - 11:01 AM

Amado Espino Jr.Boluntaryo na ring sasailalim sa 90-araw na suspensyon si Pangasinan Rep. Amado Espino kaugnay ng kinakaharap na kasong graft sa Sandiganbayan.

Sa kanyang manifestation na ipinadala sa anti-graft court 6th division, sinabi ni Espino na pagsisilbihan niya ang kanyang preventive suspension mula ngayong araw, December 15 hanggang March 15, 2017.

Nilinaw naman nito na ang boluntaryo niyang pagsailalim sa suspensiyon ay hindi nangangahulugan ng pag-amin sa anumang kasalanan kundi pagsunod sa prosesong ligal.

Nag-ugat ang kaso ni Espino noong gobernador pa siya ng Pangasinan nang pahintulutan ang black sand mining sa Lingayen noong 2011.

Nauna nang nagboluntaryo si Camarines Sur Rep. Luis Raymund LRay Villafuerte na pagsilbihan ang kanyang 90-day preventive suspension.

Umpisa na ngayon ng bakasyon ng kongreso para sa Christmas break at babalik ang mga kongresista sa January 16, 2017.

 

 

TAGS: amado espino, Black Sand Mining, sandiganbayan, suspension, amado espino, Black Sand Mining, sandiganbayan, suspension

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.