5 Korean Dramas, handog ng VIU ngayong holiday season

Dr. RomanticLimang tanyag at patok na Korean drama ang handog ng VIU para sa mga K-drama fans ngayong holiday season.

Ang VIU na kahalintulad ng Netflix ay naghahandog ng Korean dramas at iba pang Asian shows.

Para ngayong holiday season, maaring mapanood sa VIU ang “Weightlifting Fairy” na kwento ng aspiring athlete na si Kim Bok Joo (Lee SungKyung).

Kaabang-abang sa seryeng ito ang tambalan nina Lee Sung Kyung at Nam Joo Hyuk.

Kung kwentong pamilya naman ang trip, mapapanood din sa VIU ang “Sweet Stranger and Me”. Ito ay kwento naman ng flight attendant na si Jong Na Ri (Soo Ae) na pag-uwi sa kanilang bahay at mayroong dinatnang lalaki (Kim Young Kwang) na kaniyang ka-edaran.

Ang nasabing lalaki ay young husband pala ng pumanaw niyang ina. Magkaroon kaya ng chance na magkagustuhan ang dalawa?

Kwento naman ng isang batang movie star (Seo Kang Joon) ang seryeng “Entourage”. Para naman ito sa mga naghahanap ng kakaibang twist ng storya at gustong magpahinga muna sa mada-dramang kwento.

May halong Western twist kasi ang storya ng “Entourage”.

May pagka-fantasy naman ang dating ng seryeng “Goblin” kung saan si Gong Yoo na isang goblin ay naghahanap ng human bride para mabali ang everlasting curse sa kaniya.

Magugustuhan ito ng mga mahilig sa high fantasy romance.

At ang panglima ay ang “Dr. Romantic”. Kwento naman ito ng dalawang duktor na nakakilala sa isang tanyag na surgeon.

Kapwa sila natuto ng aral sa buhay at pagmamahal mula sa nasabing duktor.

I-enjoy ang mga Korean drama na ito ngayong holiday season, i-download lamang ang VIU app sa inyong smartphones.

 

 

Read more...