5 Barangay Tanod, patay sa buy-bust operation sa QC

By Jong Manlapaz December 15, 2016 - 08:13 AM

Kuha ni Jong Manlapaz
Kuha ni Jong Manlapaz

Bagaman, naisugod pa sa ospital, pumanaw din sa East Avenue Medical Center ang limang barangay tanod na nanlaban umano sa isinagawang anti-drug operation ng Quezon City Police District (QCPD).

Isinagawa ang buy-bust sa Doña Nicasio sa Barangay Commonwealth.

Kinilala ng mga tauhan ng QCPD Station 6 Anti-Illegal Drugs ang mga napatay na sina Alyas Rara, Tiglao, Rykel, Nono at Gangsterna.

Pawang mga tauhan umano ng BPSO o mga barangay tanod sa Commonwealth ang mga suspek.

Ikinasa ng mga pulis ang buy-bust kung saan positibong nakabili ang kanilang poseur buyer ng shabu mula kay alyas Rara.

Pero nakatunog ito at pinaputukan ang mga otoridad. Nakipagbarilan na rin umano ang apat pang mga kasama ni Rara.

Naisugod pa sa East Avenue Medical Center ang lima, pero idineklara ding patay.

Sa crime scene nakakuha ng halos 30 basyo ng baril at ilang sachet na naglalaman ng shabu.

 

TAGS: 5 Barangay Tanod, Comonwealth Avenue, drug buy bust operation, quezon city, 5 Barangay Tanod, Comonwealth Avenue, drug buy bust operation, quezon city

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.