Pope Francis tatanggap ng mga mensahe via e-mail sa kaniyang ika-80 kaarawan sa Sabado
Sa December 17, araw ng Sabado, ipagdiriwang ni Pope Francis ang kaniyang ika-80 kaarawan.
Pitong email address ang binuo ng Vatican kung saan pwedeng magpadala ng mga mensahe ang mga nais bumati sa Santo Papa mula sa iba’t ibang panig ng mundo.
Ang pitong email address ay nilikha batay sa preferred na lenggwahe ng babati. Mayroong email address para sa mga babati gamit ang lenggwaheng Latin, Italian, Spanish, English, French, German at Polish.
Ayon sa mga staff mula sa Vatican, magiging normal ang araw ni Pope Francis sa Sabado.
Nakatakdang mag-courtesy call sa kaniya ang Presidente ng Malta, at mayroon din siyang pulong sa Prefect of the Congregation for Bishops, kay Cardinal Marc Oullet, at sa iba pang guests at dignitaries.
Isang misa din ang pangungunahan ng Santo papa sa Pauline Chapel sa Vatican kasama ang mga cardinal sa Roma.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.