Triple-X na pelikula, ipinalabas ng mga hacker sa isang bus station sa Brazil

Mula sa africanspotlight.com

Nagawang ma-hack ng mga hindi pa nakikilalang mga suspek ang mga video screen sa isang bus station sa Brazil at magpalabas ng ‘bold’ o pornogpraphic film sa mga ito.

Naging laman ng mga social media sites ang insidente nang i-post ng mga concerned citizens ang mga video at screengrab ng mga ipinapalabas na ‘sex film’ sa mga screen ng bus station.

Labinlimang minuto ring napanood ng mga nagulat na mga pasaherong naghihintay ng byahe sa Boqueirao Station sa Southern city ng Curitiba ang triple-XXX o hardcore porn sa mga LCD mionitor ng naturang bus depot.

Ayon sa pulisya, nagawang mapasok ng mga hacker ang mga travel information screen sa arrival at departure area ng istasyon na nagkataong puno ng mga biyahero.

Agad namang kumilos ang municipal transport company ng Curitiba at naglunsad ng imbestigasyon sa insidente./ Jay Dones

 

Read more...