US, nagbabala sa patuloy na pagiging agresibo ng China sa South China Sea

By Jay Dones December 15, 2016 - 04:20 AM

 

Inquirer file photo

Nagbabalang muli ang Amerika na tuluy-tuloy nilang hahamunin ang ‘assertive at agresibong posisyon na ginagawa ng China sa South China Sea.

Ayon kay Admiral Harry Harris, pinuno ng US Pacific Command, hindi tatanggapin ng Estados Unidos ang pagkontrol ng China sa naturang rehiyon sa kabila ng mabilis na mga kilos ng China tulad ng pagtatayo ng mga isla at struktura sa South China Sea.

Ang reaksyon ni Harris ay bilang tugon sa galit na ipinakita ng Beijing kay US President-elect Donald Trump nang direkta itong tumawag kay Taiwanese leader Tsai Ing-Wen na taliwas sa umiiral na One China Policy.

Sa ilalim ng One China Policy, kapwa makikipag-ugnayan ang Amerika sa China at Taiwan, ngunit kikilalanin lamang ang China.

Giit ni Harris, hindi papayag ang US na basta na lamang maisara ang isang lugar na dapat ay malayang pinakikinabangan ng lahat tulad ng South China Sea kahit pa magtayo ng maraming artificial islands ang China sa naturang lugar.

Handa ang Amerika na ipairal ang diplomasya sa ilang isyu ngunit kung kinakailangan ay handa rin silang makipag-komprontasyon sa ilang isyu.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.