Actor, songwriter Allan Thicke, pumanaw sa edad na 69

 

Actor Alan Thicke arrives for the premiere of "National Lampoon Presents One, Two, Many" in Los Angeles April 10, 2008. REUTERS/Danny Moloshok
Actor Alan Thicke arrives for the premiere of “National Lampoon Presents One, Two, Many” in Los Angeles April 10, 2008. REUTERS/Danny Moloshok

Pumanaw na ang sikat na Canadian actor, songwriter and composer na si Alan Thicke sa edad na 69.

Kinumpirma ito ng talent agency na may hawak sa aktor ngunit hindi na nagbigay pa ng ibang detalye.

Naglabas naman ng saloobin ang dating asawa nito na singer, actress na si Gloria Loring.

Ayon sa kanya, labis na nakakalungkot at nakakabigla ang pagpanaw ng dati niyang asawa dahil nakasama pa niya ito noong Thanksgiving day.

Nagsimula si Alan Thicke bilang host ng kanyang sariling show noong 1980 na “The Alan Thicke Show.”

Ilan naman sa mga pinagbidahan nito na tv shows ay ang “How i met your mother”, “Full House” at iba pa.

Marami namang nalungkot at nakiramay na kasamahan ng tv actor sa showbiz sa pagpanaw nito.

Read more...