Duterte, aminadong posibleng hindi na matapos ang kanyang termino

 

Malacañang photo

Aminado si Pangulong Rodrigo Duterte sa posibilidad na hindi na niya matapos ang kanyang termino hanggang 2022.

Sa kanyang pagharap sa mga expatriates sa Phnomh Penh, Cambodia bago ito tumulak patungong Singapore, sinabi nitong sa kanyang edad na 77 taong gulang pagsapit ng 2022, magiging huling pagkakataon na niya ang pagka-pangulo.

Ipinaliwanag rin ng pangulo na kanyang napagtanto na rin na hindi niya kailangan ang presidency sa kanyang edad.

Gayunman, dahil siya ang ibinoto ng tao, kanya itong gagampanan para sa kapakanan ng mga Pilipino.

Sa naturang talumpati, inamin rin ng pangulo ang dati niyang pag-inom ng gamot na Fentanyl, isang uri ng pain killer na inirereseta sa mga pasyenteng may kanser.

Gayunman, ipinatigil na ito ng doktor dahil sa negatibong epekto nito sa pag-iisip.

Nakararanas rin ito ng malimit na migraine at pagsakit ng kanyang spine.

Read more...