Pres. Duterte, nasa Singapore na

 

Jeannette Andrade/Inquirer

Dumating na sa Singapore si Pangulong Duterte.

Dakong alas 12:21 ng hatinggabi, dumating ang delegasyon ni Pangulong Duterte sa Changi airport kung saan ito sinalubong ng mga opisyal ng naturang bansa.

Tulad ng kanyang state visit sa Cambodia, mananatili ng dalawang araw ang pangulo sa Singapore.

Bago umalis patungong Singapore, binigyan muna ito ng farewell banquet ng hari ng Cambodia na si King Norodom Sihamoni.

Sa Singapore, nakatakda namang makipagkita ang pangulo sa matataas na lider ng naturang bansa.

Read more...