Kerwin Espinosa, hawak na ng NBI

By Jay Dones December 15, 2016 - 01:10 AM

 

Inquirer Photo | Richard A. Reyes
Inquirer Photo | Richard A. Reyes

Inilipat na sa kustodiya ng National Bureau of Investigation ang confessed drug lord na si Kerwin Espinosa.

Dakong alas 11:30 ng gabi, dumating ang convoy lulan si Espinosa sa compound ng NBI mula sa pagkakadetine nito sa Kampo Crame.

Suot ang bulletproof vest at posas, naging mahigpit ang seguridad sa paglilipat sa kustodiya ni Kerwin.

Sa pagbaba sa kanyang kinalululanang coaster, agad na pinaligiran si Kerwin ng mga tauhan ng AIDG bago iti-nurn over sa NBI.

Si Kerwin ay inilipat sa NBI matapos itong i-kostudiya ng PNP-Anti Illegal Drugs Group (AIDG) mula nang maiuwi ito mula sa Abu Dhabi, kung saan ito nagtago.

Nahaharap sa kasong illegal possession of firearms at droga si Kerwin na anak ng napatay na si Albuera, Leyte mayor Rolando Espinosa Sr.

Ang branch 14 ng Baybay, Regional Trial Court sa Leyte, ang nag-utos na mailipat sa NBI custody ang suspek.

Umaasa naman si Kerwin Espinosa na pangangalagaan ng NBI ang kanyang buhay tulad ng ginawa ng PNP-AIDG.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.