CPP pinuna ang gabi-gabing patayan sa bansa

By Jay Dones December 15, 2016 - 04:20 AM

 

dead jones bridgePinuna ng Communist Party of the Philippines (CPP) ang anila’y ‘anti-people at undemocratic’ na polisiya ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Partikular na tinutukoy ng grupo ang gabi-gabing kaso ng extrajudicial killing sa bansa na pinangungunahan umano ng mga death squad at maging ng mga alagad ng batas sa kanilang mga police operations.

Bukod dito, nananawagan rin ng malawakang mapayapang pagkilos ang CPP sa buong bansa sa December 26, upang kondenahin ang hindi umano pagtupad sa pangako ni Pangulong Duterte.

Tinutukoy ng CPP ang anila’y pagkabigo ng pangulo na palayain ang lahat ng mga political prisoners na ipinangako umano nito sa kanila.

Ayon sa statement ng grupo, dalawang ulit nang ‘napako’ ang pangako ng pangulo na pakakawalan ang mga political prisoners na naging bahagi ng mga pangako nito noong bago pa man ito maupo sa puwesto.

Kung hindi anila tutuparin ni Pangulong Duterte ang kanyang mga ipinangako, wala nang dahilan upang palawigin pa ang kanilang ipinatutupad na ceasefire.

Bukod dito, kinondena rin ng samahan ang pagpapakalat umano ng mga sundalo sa mga kanayunan sa kabila ng umiiral na ceasefire.

Sa December 26, gugunitain ng CPP-ang kanilang ika-48 taong anibersaryo.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.