Pagkamatay ng may 74,000 Hapones sa Nagasaki atomic bombing, inaalala ngayong araw

August 09, 2015 - 11:18 AM

Inquirer file photo

Ginugunita ngayong araw ng buong Japan ang 70th anniversary ng pagbagsak ng atomic bomb sa Nagasaki na nagsilbing paunang hudyat sa pagtatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig.

Ilang memorial service ang nakatakdang isagawa ngayong araw sa port city na pangungunahan ni Japanese Prime Minister Shinzo Abe at US Ambassador Caroline Kennedy.

Eksaktong alas-11:02 ng umaga, oras sa Japan, na siyang eksaktong oras nang bumagsak at sumabog ang atom bomb sa Nagasaki noong August 9, 1945.

Sa eksaktong oras din ngayong araw, patutunugin ang mga kampana bilang pag-aalala sa mahigit sa sampung libong mga nasawi sa pagsabog na sinundan ng matinding ‘firestorm’ na halos lumusaw sa katawan ng libu-libong Hapones.

Sa pagsabog ng tinaguriang “Fat Man” bomb, mahigit sa 74,000 Hapones ang agad na nasawi samantalang maraming iba pa ang sumunod dahil sa radiation at paglapnos ng balat na idinulot ng bomba.

Bago ang pagbomba sa Nagasaki ay unang binomba ng puwersa ng Amerikano ang bayan ng Hiroshima.

Sa naunang pambobomba, tatlong araw bago ang Nagasaki bombing, tinatayang nasa 140,000 Hapones ang namatay.

August, 15, 1945 o halos isang linggo matapos ang pambobomba sa Nagasaki, sumuko ang Japanese Imperial Army sa puwersa ng Amerika na naging hudyat eng pagtatapos ng World War II./ Jay Dones

 

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.