Lumipad kaninang tanghali papunta sa Saudi Arabia si Moro National Liberation Front (MNLF) Nur Misuari.
Ayon kay Misuari, kakausapin niya sa Saudi Arabia ang Secretary-General ng Organization of Islamic Conference (OIC) para alamin kung kelan ito makakapagpadala ng kinatawan sa kanilang kampo para isapinal ang usapang pangkapayapaan sa Duterte administration.
Sinabi ni Misuari na kailangan ang tripartite panel sa peace talks sa pagitan ng pamahalaan ng Pilipinas, OIC at ng MNLF.
Gusto aniya niya na gawin ang peace talks sa kanilang kampo tulad ng nangyari noong panahon ni dating Pangulong fidel Ramos para maging matagumpay din tulad ng nangyari noon.
Magugunitang mismong si Pangulong Rodrigo Duterte ang nag-alok kay Misuari na muli nilang buksan ang kanilang pintuan para sa peace talks.