Mga labi ni FPJ hindi ililipat sa Libingan ng mga Bayani

By Jan Escosio December 14, 2016 - 03:50 PM

FPJ GraceKampante na si Sen. Grace Poe sa pagkakahimlay ng kanyang amang si Fernando Poe Jr. sa Manila North Cemetery.

Ayon kay Poe, may mga mungkahi kasi na mailipat sa Libingan ng mga Bayani ang kanyang ama.

Giit ng senadora kuntento na rin ang kanilang pamilya maging ang mga tagahanga ni “Da King” sa libingan sa Lungsod ng Maynila.

Dagdag pa nito karapat-dapat naman ang kanyang ama sa Libingan ng mga Bayani dahil isa itong national artist.

Kanina ay ginunita ang ika-12 anibersaryo ng pagkamatay ni FPJ kung saan ay muling nagsama-sama ang kanyang mga kaanak at mga tagasuporta.

Sa panayam din kay Poe ay ibinahagi niya na sobra niyang hinahanap ang yakap ng ama na hanggang ngayon ay madalas pa rin niyang maalala.

TAGS: FPJ, grace poe, libingan ng mga bayani, Manila North Cemetery, FPJ, grace poe, libingan ng mga bayani, Manila North Cemetery

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.