DOJ nag-talaga ng mga bagong Immigration Deputy Commissioners

By Den Macaranas December 14, 2016 - 03:40 PM

HUMAN INTEREST                     JANUARY 3, 2015         Bureau of Immigration               INQUIRER PHOTO/ ALEXIS CORPUZ
Inquirer file photo

Nagtalaga ng mga officers-in-charge sa loob ng Bureau of Immigration si Justice Sec. Vitaliano Aguirre na pansamantalang hahalili sa mga opisyal na isinangkot sa P50 Million extortion issue.

Si Estanislao Canta, pinuno ng Special Inquiry Unit ng Bureau of Immigration ang pansamantalang papalit kay Deputy Commissioner Al Argosino.

Si Deputy Commissioner Mike Robles naman ay pansamantalang papalitan ni Jose Calitas Licas na pinuno ng fugitive search unit.

Tatagal ang kanilang pansamantalang posisyon hanggang sa January 11, 2017 o isang buwan makalipas na maghain ng kani-kanilang leave of absence sina Argosino at Robles.

Sa kanyang panig, sinabini Aguirre na posibleng magtagal pa sa pansamantalang posisyon sina Canta at Licas ito ay makaraan niyang sabihin na sibak na sa kanilang mga pwesto sina Argosino at Robles.

Sina Argosino at Robles ay nauna nang inakusahan na tumanggap na tumanggap ng P50 Million na suhol mula sa gambling tycoon na si Jack Lam kapalit ng pagpapalaya sa kanyang mga tauhang Chinese na nahuli sa Fontana Leisure Park sa Pampanga.

Idinagdag pa ni Aguirre na magpapatuloy ang kanilang imbestigasyon para alamin ang lalim ng pagkakasangkot ng mga immigrations officials sa nasabing iskandalo.

TAGS: aguirre, argosino, DOJ, Jack Lam, robles, aguirre, argosino, DOJ, Jack Lam, robles

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.