Dec. 26, 2016 at Jan. 2, 2017 deklaradong special non-working holiday

By Chona Yu December 14, 2016 - 03:37 PM

HolidayIdineklara ng Malacañang bilang special non-working holiday ang December 26, 2016 at January 2, 2017.

Nilagdaan ni acting Executive Sec. Menardo Guevarra ang Proclamation No. 117 na nagdedeklara sa nasabing mga araw bilang non-working holiday.

Layunin nito na mabigyan ng mas mahabang panahon ang sambayanan na ipagdiwang ang panahon ng Kapaskuhan at Bagong Taon na parehong natapat sa weekend.

Ang mga manggagawa na papasok sa idineklarang special non-working holiday ay tatanggap ng dagdag na na 30-percent para sa kanilang regular na daily rate at dagdag na 30-percent sa bawat oras na dagdag sa kanilang serbisyo.

 

TAGS: Malakanyang, non-working holiday, Malakanyang, non-working holiday

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.