12th death anniversary ni The King Fernando Poe Jr,. ginunita ng kaniyang mga mahal sa buhay
Ginunita ngayong araw ng mga kaanak at kaibigan ng yumaong si The King Fernando Poe Jr., ang ika-12 anibersaryo ng kaniyang kamatayan.
Noong December 14, 2009 nang pumanaw ang aktor matapos ma-stroke.
Isang misa ang idinaos kaninang umaga sa puntod ni FPJ sa Manila North Cemetery na dinaluhan ng kaniyang asawa na si Susan Roces at anak na si Senator Grace Poe.
Dumalo din sa programa ang malalapit na kaibigan at fans ni The King.
Inawit naman ng singer at aktor na si John Arcilla ang mga paboritong awitin ni The King na “Kumusta Ka”, “Kahit Konting Pagtingin” at “Doon Lang”.
Nagbigay din ng kaniyang mensahe si Senator Grace Poe at pinasalamatan ang mga fans at kaibigan ng kaniyang ama.
Sinariwa ng senadora ang pagiging makamahirap ng kaniyang ama na aniya ay sa tema pa lamang nga mga pelikulang ginawa nito ay ramdam at kita ang pagmamahal niya sa mahihirap.
Mismong si The King din aniya ang nagpasya na Manila North Cemetery siya ilagak para madali siyang mapuntahan ng kaniyang mga tagahanga.
Ayon kay Senator Poe, isang karangalan para sa kanilang pamilya ang legacy na pagiging simple, mapagkawang-gawa at mapagmahal ng kaniyang yumaong ama.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.