Isinauling P30M ng dalawang BI commissioners, mano-manong binilang ng mga taga-DOJ; kulang ng P1,000

By Dona Dominguez-Cargullo December 14, 2016 - 10:44 AM

Inquirer Photo | Julie Aurelio
Inquirer Photo | Julie Aurelio

Matapos na mai-turnover kahapon ng dalawang deputy commissioners ng Bureau of Immigration (BI) ang P30M sa Department of Justice (DOJ) ay mano-mano itong binuilang ng mga taga DOJ.

Ang nasabing pera ay bahagi ng sinasabing suhol na tinanggap nina BI Deputy Commissioners Al Argosino at Michael Robles mula sa online gaming tycoon na si Jack Lam.

Mariin namang itinanggi ng dalawang opisyal ang akusasyon at sinabing kinuha lang nila ang pera dahil gagamitin nila itong ebidensya sa korapsyon at katiwalian na nagaganap sa BI.

Ayon kay DOJ Usec. Erickson Balmes, alas 8:00 na ng gabi nang matapos sila sa isinagawang mano-manong pagbibilang sa mga pera.

At matapos itong bilangin, natuklasan nilang kulang ito ng isang libong piso.

Ibig sabihin, 29,999,000 pesos lamang ang naiturnover sa DOJ nina Argosino at Robles.

“We ended counting the money turned over to us at around 8pm kagabi, it is Php 1000 short, so it is really Php 29,999,000,” nakasaad sa text message ni Usec. Balmes sa mga mamamahayag.

Magugunitang kahapon, kapwa humarap sa media sina Argosino at Robles at inilatag sa lamesa ang anila ay P30 milyon na halaga ng pera.

Matapos na itangging suhol sa kanila ang nasabing pera ay dinala nila ang salapi sa DOJ.

 

 

 

TAGS: BI Deputy Commissioners, DOJ, BI Deputy Commissioners, DOJ

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.