Dating seaman na minsan nang na-tokhang, patay sa pamamaril sa Caloocan

Kuha ni Wilmor Abejero

Agad na binawian ng buhay ang isang dating seaman at dati rin umanong adik sa ipinagbabawal na gamot ang nasawi matapos pagbabarilin sa kanto ng Binhagan at Cabatuan Streets, Brgy. 129 Caloocan City.

Nagana pang pamamaril sa biktimang si Rico Bacal, 40 anyos alas 4:45 ng umaga ng Miyerkules.

Ayon kay Efren Vergara, bayaw ng biktima, narinig nila nag-aaway ang biktima at ang kanyang hipag na tomboy alas 4:00 ng umaga.

Makalipas ang ilang minuto, nakita na lamang si Bacal na nakabulagta na at may tama ng baril sa ulo at sa katawan.

Sinabi ni Vergara na hindi na mahanap ngayon ang tomboy na nakaalitan ng biktima.

Ayon naman kay Gng. Marieta Bacal, ina ng biktima, matagal nang gumagamit ng ilegal na droga ang kaniyang anak.

Katunayan ayon kay Gng. Bacal, na-tokhang na ang kanyang anak ng mga pulis.

Nangako aniya ang kanyang anak na magbabagong buhay na at iniwan na nito ang paggamit ng ilegal na droga.

 

Read more...