Hindi bababa sa 10 pasahero ng bus, hinoldap ng tatlong lalaki sa Maynila

By Jong Manlapaz December 14, 2016 - 06:39 AM

Kuha ni Jong Manlapaz
Kuha ni Jong Manlapaz

Maagang nabiktima ng panghoholdap ang sampung pasahero ng isang bus sa Taft Avenue sa Maynila.

Sa kwento ng mga pasahero, sa bahagi ng Nakpil Street nagdeklara ng holdap ang tatlong lalaki at mabilis na nilimas ang mahahalagang gamit ng mga pasahero at saka agad na bumaba.

Biyaheng Lawton – Alabang ang HM transport bus na may plate number TYV 303.

Ayon sa isa sa mga pasahero na si Alfredo Ariano, sinubukan sana niyang itago ang kaniyang cellphone nang madinig na may nagdeklara ng holdap pero nakita siya ng isa sa mga suspek.

Kinuha ng mga suspek ang cellphone ni Ariano at kaniyang suot na kwintas.

Karamihan sa mga pasahero ay nakuhanan ng cellphone at wallet.

Isa pa sa mga babaeng pasahero ay nakuhanan ng wallet na ang laman ay P50,000 na cash at mahahalagang ID. Habang ang isa pang pasahero ay nakuhanan ng P12,000 na cash.

 

 

 

TAGS: 4 robbery suspects killed in Pangasinan, bus, HM transport, manila, 4 robbery suspects killed in Pangasinan, bus, HM transport, manila

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.