Pananalita ni Duterte, ‘unpresidential’ pero hindi iligal-Ombudsman

By Kabie Aenlle December 14, 2016 - 04:34 AM

 

Tristan Tamayo/Inquirer.net

“Unpresidential” lang pero hindi naman “illegal.”

Ganito inilarawan ni Ombudsman Conchita Carpio Morales ang maanghang na pananalita ni Pangulong Rodrigo Duterte, na may kasamang mga mura, banta laban sa mga kriminal at maraming iba pa.

Ayon kay Morales, masyado lang aniya itong unpresidential pero mananatili itong iligal hangga’t hindi niya ito ginagawan ng paraan para mangyari.

Ibang usapan na aniya ang mga banta ni Duterte na pagpatay partikular na sa mga kriminal at drug addicts, sa kung ito ay kaniya talagang gagawin.

Nilinaw ni Morales na hindi naman illegal ang pagsasabi ng “I will kill you,” lalo’t depende rin sa konteksto ng pagkakasabi nito.

Sa ilang beses na pagkikita nila ni Duterte, hindi naman aniya niya ito nababanggit sa pangulo at hindi rin nila ito napag-uusapan, dahil nakakabastos naman para sa kaniya kung siya pa ang maguungkat ng usaping ito.

Pero kung sakali aniya na si Duterte mismo ang magbukas ng usapin na ito sa kaniya, saka lang niya sasabihin kung ano ang kaniyang pananaw.

Nananahimik lang aniya siya hindi dahil sa natatakot siya kundi dahil sa tingin niya ay hindi lang talaga nararapat na ungkatin niya ito kay Duterte.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.