Pangulong Duterte, bumanat muli sa Simbahang Katolika sa Cambodia visit

 

Inquirer file photo

Muling binanatan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga Obispo ng Simbahang Katolika na kumontra sa kanya noong panahon ng kampanya.

Sa pagharap nito sa mga miyembro ng Filipino community sa Cambodia, hindi nakatiis ang Pangulo na muling magpakawala ng mura nang maalala ang pagbatikos na kanyang tinanggap mula sa mga Obispo noong panahon ng eleksyon.

“Ang bishop ayaw sa akin noong eleksyon…sa Luneta…Sabi ko sige kayong lahat na nanininiwala sa Katoliko, sa mga pari, doon kayo sa mga Obispo, ang gustong pumunta sa impyerno, sumasama sa akin, paiwan kayo dito, e anong lumabas, 15 million, 6 million majority ko. ….Inangyan,, maniwala kayo sa pari na ‘yan.” Pahayag ng Pangulo.

Matatandaang umani ng batikos ang pangulo nang minsang makapagmura ito noon dahil sa matinding traffic na idinulot nang bumisita sa bansa si Pope Francis.

Binabatikos rin ng Simbahan ang mga mga nagaganap na extrajudicial killings sa bansa at gabi-gabing mga pagpatay sa mga hinihinalang drug personalities na nagsimula nang maupo sa puwesto si Pangulong Duterte.

Read more...