2 BI officials, pormal nang pinasisibak ni Aguirre kay Pres. Duterte

 

Kung si Justice Secretary Vitaliano Aguirre II ang masusunod, nanaisin nitong masibak sa serbisyo agad-agad ang dalawang opisyal ng Bureau of Immigration na nasasangkot sa pagtanggap umano ng 50-M suhol mula sa gambling tycoon na si Jack Lam.

Ayon kay Sec. Aguirre, mistula siyang ‘ipinagkanulo’ nina associate commissioner Al Argosino at Michael Robles nang masangkot ang mga ito sa katiwalian.

Dahil dito, agad siyang nagpadala ng liham kay Pangulong Duterte na humihiling na agad na sibakin sa puwesto ang mga ito.

Nilalaman ng liham ni Aguirre ang pahayag na dahil nasangkot sa hindi kanais-nais na gawain ang dalawa, nawala na ang tiwala ng publiko sa mga ito.

At dahil nawala na ang tiwala ng taumbayan, wala nang dahilan upang manatili pa sa puwesto sa gobyerno ang dalawa.

Ang dalawang opisyal ng BI ay naakutahn umano sa CCTV footage na tumatanggap ng milyung pisong halaga ng ‘bribe money’ mula sa emirasryo umano ni Jack Lam na si Wally Sombero.

Gayunman, iginigiit nina Argosino at Robles na frame-up ang nangyari sa kanila.

Sina Argosino, Robles, Aguirre at maging si Pangulong Duterte ay magkaka-brod sa Lex Talionis Fraternitas, Inc. ng San Beda College of Law.

Read more...