Resulta ng Malampaya probe, malapit nang ilabas ng Ombudsman

By Kabie Aenlle December 14, 2016 - 04:00 AM

 

03malampayaInanunsyo ni Ombudsman Conchita Carpio-Morales na mailalabas na ng kaniyang opisina ang resulta ng imbestigasyon nila kaugnay sa Malampaya fund scam bago pa man matapos ang taon.

Sa pagharap ni Motales sa Meet the Inquirer forum, sinabi niya na ibinalik na niya ang initial findings tungkol sa Malampaya sa investigating panel.

Kaya naman umaasa siya na maibabalik na sa kaniya ng panel ang nasabing report para sa nakabinbin niyang pag-apruba dito, bago o sa mismong December 15.

Tikom naman ang bibig ni Morales kung kabilang sa mga made-demanda si dating pangulo at ngayo’y Cong. Gloria Macapagal-Arroyo, na umano’y lumagda sa executive order na pumapayag ilabas ang mga energy funds na nakalaan para sa mga biktima ng bagyo, ngunit nauwi lang sa ghost projects.

Tumanggi rin si Morales na kumpirmahin kung makakasama rin ang socialite na si Ruby Tuason sa mga masasampahan ng kaso dahil sa nasabing scam.

Nabigyan si Tuason ng immunity noon sa pork barrel scam case dahil sa pagtestigo niya sa plunder case laban kay Sen. Jinggoy Estrada.

Umamin rin si Tuason noon na nakatanggap siya ng milyun-milyong kickback para kay Estrada mula sa tinaguriang pork barrel scam queen na si Janet Lim-Napoles.

Ani pa Morales, hindi naman nila pinagkalooban ng immunity si Tuason kaugnay ng Malampaya scam, kaya naman kung mapatunayang siya ay guilty, sasampahan nila ito ng kaso.

Ayon kay Morales, ilalabas na sana nila ang resolusyon ngunit may napansin silang ilang aspeto na makakaapekto sa resulta nito.

Tiniyak naman niya na maya’t maya niyang niyang ifa-follow up ito upang maisumite na sa December 15.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.