Estudyante, patay sa 40 saksak sa Baguio

By Kabie Aenlle December 14, 2016 - 04:28 AM

 

crime-scene-e1400865926320Nasawi ang isang Grade 10 na estudyante matapos siyang 40 beses undayan ng saksak ng isang hindi pa natutukoy na suspek, habang siya ay naglalakad sa isang shortcut papunta sa kaniyang paaralan sa Baguio City.

Patungo dapat ang 16-anyos na biktimang si Kenneth Velasco sa Pines City National High School, alas-6:55 ng umaga ng Martes para pumasok.

Dumaan siya sa isang eskinita at hagdan sa may Labsan Village na shortcut papunta sa likod na entrance ng paaralan, mula sa Naguilian Road.

Ayon sa pulisya, isang testigo ang nakakita sa isa pang binatilyo na dumaan palayo sa pinangyarihan ng krimen.

Ayon pa sa testigo, mayroong isa pang testigo na nagsisigaw nang makita ang katawan ni Velasco na nakahandusay habang nakasuot pa ng uniporme ng Pines City National High School.

Si Velasco ay nasawi agad habang siya ay dinadala sa ospital.

Sa ngayon ay sinisiyasat pa ng mga pulis ang mga CCTV footages sa lugar at nagtatanong na rin sila sa mga testigo upang mahanap kung sino ang may gawa sa krimeng ito.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.