Nasa Cambodia na si Pangulong Rodrigo Duterte para sa kaniyang dalawang araw na state visit doon.
Lumapag ang eroplanong sinasakyan ni Duterte sa Phnom Penh airport, ganap na 5:57 ng hapon, oras sa Cambodia o 6:57 ng gabi oras dito sa Maynila.
Pagdating ni Duterte sa Cambodia, agad niyang hinarap ang Filipino community doon na binubuo ng nasa 1,000 na mga miyembro.
Mayroong mahigit na 5,000 na Pilipino sa Cambodia at marami sa kanila ang mga propesyonal, managers, supervisors at mga skilled workers.
Bukas ay makakaharap naman niya si Cambodian King Norodom Sihamoni, at dadalo rin siya sa isang bilateral meeting kasama si Prime Minister Hun Sen.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.