2017 National Budget pinagtibay na ng Kamara

congress1
Inquirer file photo

Niratipikahan na ng Kamara ng House Bill 3408 o 2017 national budget.

Ang pambansang pondo para sa susunod na taon ay nagkakahalaga ng P3.3 Trillion.

Kaninang umaga, nauna nang inaprubahan ng Senado at Kamara ang bicameral report ukol sa kauna-unahang national budget sa ilalim ng Duterte administration.

Inanunsyo naman ni House Majority Leader Rodolfo Farinas na nakatakdang pirmahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang 2017 national budget sa December 22.

Ayon kay Fariñas, kasama sa aprubadong pambansang pondo ang alokasyong P8.3 Billion na nasa ilalim ng Commission on Higher Education o CHED.

Ang nabanggit na halaga aniya ay para sa full scholarship ng mga iskolar ng pamahalaan.

Maliban dito, pasok din sa pambansang pondo ang budget para sa mga benepisyaryo ng Philhealth.

Read more...