Posibleng nakuha ng mga hacker ang information ng aabot sa 2.4 milyong customer ng isang cellphone retailer company sa United Kingdom matapos biktimahin ito ng cyber-attack kamakailan.
Nadiskubre lamang ang security breach sa kumpanyang Carphone Warehouse nitong Miyerkules.
Ayon kay Sebastian James, group chief executive ng Dixons Carphone, kanila nang ipinagbibigay alam sa lahat ng kanilang mga customer ang naturang pag-atake sa kanilang database.
Ayon pa kay James, posibleng nakuha ng mga hacker ang mga Pangalan, address, birthdate, at maging ang mga bank details ng mga ito.
Sa pinakahuling impormasyong nakuha ng kumpanya, nasa 90 libong nilang customer ang posibleng nakuhanan ng credit card information resulta ng ng cyber hacking.
Ang Dixons Carphone ay nag-ooperate sa may halos 12 bansa sa Europe kabilang na ang Britain, Ireland at Germay./Jay Dones
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.