Pagsibak sa mga Immigration officials na sabit sa extortion tuloy ayon sa DOJ

By Erwin Aguilon December 13, 2016 - 05:08 PM

BI Pera
Inquirer photo

Mariing itinanggi nina Immigration Assistant Commissioner Al Argosino at Michael Robles na tumanggap sila ng pera mula sa online gambling operator na si Jack Lam.

Ayon kay Argosino, sa katunayan sinamapahan na nga nila ng reklamong corruption of public officials sa Paranaque Prosecutors’ Office sina Wally Sombero, Intel Officer ng BI na si Ret. Gen. Charles Calima, Jack Lam at dalawang Chinese Interpreter.

Ipinakita ng mga ito sa media ang P30 Million na ayon sa kanila ay gagamiting ebidensya laban sa lima.

Pinalutang ng dalawa ang anila’y Calima Conspiracy kung saan tumanggap daw si Calima ng P18 Milliuon habang kinuha naman ni Sombero ang P2 Million.

Itinurn over naman nina Argosino at Robles ang P30 Million pisong halaga sa DOJ para sa safekeeping.

Sa kabila ng pagsasampa ng reklamo ng dalawa sinabi ni Justice Secretary Aguirre na tuloy pa rin ang kanyang rekomendasyon na masibak sa puwesto ang mga ito.

Tiniyak din nito na hindi magiging paborable ang DOJ sa dalawa na fraternity brothers nila ng Pangulong Rodrigo Duterte.

Wala namang magiging epekto ayon kay Aguirre sa isinasagawang imbestigasyon ang ginawang pag-turn over ng dalawa ng pera.

TAGS: aguirre, argosino, DOJ, immigratyion, Jack Lam, robles, aguirre, argosino, DOJ, immigratyion, Jack Lam, robles

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.