Aprubado na sa bicameral conference committee ng Mababa at Mataas na Kapulungan ng Kongreso ang P3.35-trillion national budget.
Wala sinuman sa mga miyembro ng komite mula sa Senado at Kamara ang nag-object o tumutol para sa pag-apruba ng kauna-unahang pambansang budget ng Duterte administration.
Ngayong hapon ay inaasahang iaakyat ang usapin sa budget sa plenaryo ng dalawang kapulungan para sa ratipikasyon.
Una nang sinabi ni Senate President Aquilino Pimentel III na bukas ay ipapasa ng dalawang kapulungan ang 2017 national budget.
Bukas na kasi ang huling session ng kongreso para sa Christmas break at sa January 15 na muling magre-resume ang sesyon.
MOST READ
LATEST STORIES