Kasong paglabag sa Revised Penal Code vs De Lima isinampa na sa DOJ
Nahaharap sa panibagong reklamong kriminal si Senador Leila De Lima sa Department of Justice.
Ito ay makaraang pormal na maisampa ng kamara ang reklamo laban kay De Lima dahil sa umano’y utos niya kay Ronnie Dayan na huwag sumipot sa pagdinig ng House Justice Committee kaugnay sa pamamayagpag ng ilegal na droga sa Bilibid.
Reklamong paglabag sa Article 150 ng Revised Penal Code na tumutukoy sa pagsuway o hindi pagsunod sa patawag ng kongreso ang isinampa sa DOJ.
Nag-ugat ang reklamo sa nabunyag na palitan ng text message nina De Lima at ng anak ni Dayan kung saan ipinasabi ng senadora sa dati niyang bodyguard na magtago at huwag sumipot sa pagdinig dahil pagpipyestahan lamang sila.
Ang paglabag sa nasabing probisyon ng Revised Penal Code ay may katapat na parusang multa o di kaya’y pagkabilanggo na hanggang anim na buwan.
Personal na tinanggap ni Justice Sec. Vitaliano Aguirre II ang reklamo mula kay Jouse Justice Committee Chairman Reynaldo Umali.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.