Moratorium sa pag-iisyu ng prangkisa, aalisin na ng LTFRB

Radyo Inquirer File Photo | Kuha ni Ricky Brozas
Radyo Inquirer File Photo | Kuha ni Ricky Brozas

Pinag-aaralan na ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na alisin ang moratorium sa pag-iisyu ng prangkisa ng mga pampublikong sasakyan tulad ng mga bus, jeepney, UV express at taxi.

Ayon kay LTFRB Chairman Martin Delgra, bago matapos ang taon ay i-aanunsiyo na nila ang lifting ng moratorium dahil na rin sa pangangailangan na dagdagan ang mga mass transport system sa bansa lalo na sa Metro Manila.

Paglilinaw pa ni Delgra, ito ang dahilan kung bakit unti-unti nilang nililinis ang sarili nilang bakuran.

Ito ay upang hindi na muli mapagsamantalahan ng mga tiwaling opisyal ng ahensiya ang pag-aalis ng moratorium ng prangkisa.

Ayon kay Delgra sa pag-iikot nila sa mga tanggapan ng LTFRB sa labinglimang rehiyon sa bansa, marami silang natuklasang anumalya sa pamemeke ng prangkisa.

Sa Region 1 aniya pinakatalamak ang pag-iisyu ng pekeng prangkisa sa mga sasakyan.

 

 

Read more...